Punto Puerto
ni Paulo Gutierrez
Totoo ang tsismis sa pantalan na papalitan si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Talagang papalitan na siya ni Pang. Digong dahil malinaw na hindi niya napahinto ang technical smuggling sa mga shippers at consignees sa lahat ng aduana sa bansa. Talagang karumaldumal ang technical smuggling from Manila to Cebu to Davao City, eka nga.
Galing ang info natin sa mistah mismo ni Faeldon na Duterte appointee din, isang mataas na opisyal. Saludo kami sa iyo Sir at believe kami sa info mo na taga Davao, isang matagal na protege ni Pang. Digong ang papalit kay Faeldon.
Alamin, ay abangan na lang ngayong buwan ng Pebrero. Bago darating ang araw ng mga puso, nakaupo na siya dyan sa Customs bilang Commissioner.
Ang bagong balita na ito ay hit na hit na sa hanay ng mga “antigong” opisyal at mga empleyado sa Bureau of Customs, na kung hindi “pikon” ay ‘antagonistic’ sa kanya, kasama na ang ilang grupo sa media na mga bayaran at ginagamit ang BOC PIAD (Public Information and Assistance Division) na front sa kanilang paghihingi nga maramihang mga tara sa mga corrupt dyan sa Customs.
Aber, sa totoo lang din mga kabayan, kung hindi pa “nagmalasakit” kay Faeldon itong si retired Philippine Marines spokesman, Col. Neil ‘Star’ Estrella, na siya na ring ‘BoC spokesman’ ngayon, marahil, mas walang kredibilidad itong si Faeldon.
Ito ang dahilan kung bakit ang “bansag” ngayon kay ‘Col. Star’ ng mga bayarang miron sa BOC PIAD ay si ‘Mr. Redeemer’ -- Col. Estrella has been ‘redeeming’ the many lapses of Comm. Nick, tama ba, BOCEA president, Remy Espinosa, hehehe!
‘At any rate,’ mga kabayan, totoong A1 info ang balita ngayon sa pantalan na ‘on the way out’ na talaga si Comm. Faeldon. Nick wag kang patanga-tanga dyan!
Talang may krisis pa rin si Faeldon hanggang ngayon. Hindi talaga matahimik ang kanyang mga kritiko sa pagpamahagi ng balita na to. Ay nako hanggang hindi sila makasama sa regular tara sa mga corrupt dyan sa Customs. Ay nako po! Col. Neil tama ba?
Yong tungkol sa isang ‘Victorino’ na papapalit kay Faeldon tama yon na isang malaking tsismis.
Eh ngayong ang balita ay taga Davao na ang papalit kay Faeldon, eh di talang hindi na ito tsismis. Ibahin ninyo ang taga Davao ha.
Advance Happy Valentines Day na lang Comm. Faeldon.
Napakasakit Kuya Eddie. Hindi mo kasi tinotoo na barilin mo ang mga corrupt sa Customs, eh hayan talagang papalitan ka na ng taga Davao Comm. Faeldon!
Kung may malamang katiwalian sa Customs at ibpa, mag email sa amin:
lucluzlabis@gmail.com