Tuesday, January 31, 2017

Papalitan si Faeldon sa Customs ng Taga Davao Bago ang Valentines Day

Punto Puerto
ni Paulo Gutierrez

Totoo ang tsismis sa pantalan na papalitan si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Talagang papalitan na siya ni Pang. Digong dahil malinaw na hindi niya napahinto ang technical smuggling sa mga shippers at consignees sa lahat ng aduana sa bansa. Talagang karumaldumal ang technical smuggling from Manila to Cebu to Davao City, eka nga.
 

Galing ang info natin sa mistah mismo ni Faeldon na Duterte appointee din, isang mataas na opisyal. Saludo kami sa iyo Sir at believe kami sa info mo na taga Davao, isang matagal na protege ni Pang. Digong ang papalit kay Faeldon. 

Alamin, ay abangan na lang ngayong buwan ng Pebrero. Bago darating ang araw ng mga puso, nakaupo na siya dyan sa Customs bilang Commissioner.
 

Ang bagong balita na ito ay hit na hit na sa hanay ng mga “antigong” opisyal at mga empleyado sa Bureau of Customs, na kung hindi “pikon” ay ‘antagonistic’ sa kanya, kasama na ang ilang grupo sa media na mga bayaran at ginagamit ang BOC PIAD (Public Information and Assistance Division) na front sa kanilang paghihingi nga maramihang mga tara sa mga corrupt dyan sa Customs.
 

Aber, sa totoo lang din mga kabayan, kung hindi pa “nagmalasakit” kay Faeldon itong si retired Philippine Marines spokesman, Col. Neil ‘Star’ Estrella, na siya na ring ‘BoC spokesman’ ngayon, marahil, mas walang kredibilidad itong si Faeldon.
 

Ito ang dahilan kung bakit ang “bansag” ngayon kay ‘Col. Star’ ng mga bayarang miron sa BOC PIAD ay si ‘Mr. Redeemer’ -- Col. Estrella has been ‘redeeming’ the many lapses of Comm. Nick, tama ba, BOCEA president, Remy Espinosa, hehehe!
 

‘At any rate,’ mga kabayan, totoong A1 info ang balita ngayon sa pantalan na ‘on the way out’ na talaga si Comm. Faeldon. Nick wag kang patanga-tanga dyan!
 

Talang may krisis pa rin si Faeldon hanggang ngayon. Hindi talaga matahimik ang kanyang mga kritiko sa pagpamahagi ng balita na to. Ay nako hanggang hindi sila makasama sa regular tara sa mga corrupt dyan sa Customs. Ay nako po! Col. Neil tama ba?
 

Yong tungkol sa isang ‘Victorino’ na papapalit kay Faeldon  tama yon na isang malaking tsismis.

Eh ngayong ang balita ay taga Davao na ang papalit kay Faeldon, eh di talang hindi na ito tsismis. Ibahin ninyo ang taga Davao ha. 


Advance Happy Valentines Day na lang Comm. Faeldon.
 

Napakasakit Kuya Eddie. Hindi mo kasi tinotoo na barilin mo ang mga corrupt sa Customs, eh hayan talagang papalitan ka na ng taga Davao Comm. Faeldon!



Kung may malamang katiwalian sa Customs at ibpa, mag email sa amin:

lucluzlabis@gmail.com


Thursday, November 17, 2016

Alam ng taga Customs PIAD bayarang media sino ang pumatay kay Lachica pero tikom ang mga bibig nila bakit kaya?





TIRA ADUANA 

Alam ng taga Customs PIAD accredited na mga bayarang media sa Aduana Manila sino ang pumatay kay Customs Deputy Commissioner Arturo Lachica at may probable suspek sila pero tikom ang mga bibig nila bakit kaya?

Alam na natin ito na ang mga PIAD accredited na mga bayarang media mga istambay dyan sa Aduana na alam na alam nila kung sino ang mga sindikato at mga ganid na kurap dyan sa Aduana. Di lang nila maisiwalat kasi dyan sila kumakamkam ng malalaking pera, at paano na lang ang mga extortion at mga racket nila? 

Kamakaylan pa lamang ang mga bayarang PIAD media sa Aduana ay nagpalutang ng blind item na may mataas na opisyal ng Aduana na umi extort ng isang bilyon sa isang importer na nag-import ng napakaraming ilegal na druga. Ito ang target nila na makakamkam ng malaking salapi.

Samantala, dalawang araw bago namatay si Lachica gumawa ito kasunduan na maging super transparent ang Bureau of Customs sa administrasyon ni Presidente Duterte. In fact, si Lachica ang nagtulak sa isang memorandum of agreement na maging transparent ang BOC gaya ng pag-install ng mga CCTV cameras sa Aduana, ang pag la livestream nito para makita ng publiko ang mga transaksyon ng BOC, na sa ganon ay makontra ang korapsyon ng mga empleyado at mga opisyal nito. 

Ang MOA nilagdaan noong Martes ng BOC at mga partner na mga civil society organizations katulad ng Coalition of Clean Air Advocates of the Philippines (CCAAP), United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), Green Team Luntiang Pangarap and Santinig Philippines. Sa pamamagitan nito, marami nang makapasok na mga NGO representatives sa mga Aduana upang bantayan ug bubusisihin ang mga transaskyon nga BOC. 

Sa pamamagitan ng MOA na ito na ginawa ni Lachica mabibigyan ng watchdog status sa BOC ang mga NGOs sa halip na ang matagal na nag iistambay dyan sa aduana na mga bayarang PIAD media na mga racketeers and mga extortionists at bagsak na talaga ang reputasyon ng PIAD. Pwe!

Syempre hindi ito nagustuhan ng mga bayarang PIAD media dyan sa Aduana kasi mawawala na ang kanilang mga racket at extortion nitong mga PIAD bayarang media mga istambay dyan sa Aduana. 

Kaya dapat lang uunahin ng National Bureau of Investigation ang pag-imbestiga sa mga bayarang PIAD mediang nag iistambay ruma-racket at nang iextort dyan sa Aduana kung gusto nilang matumbok kung sino ang nagpapatay kay Lachica.  





 
 



Kung may malamang katiwalian sa Customs at ibpa, mag email sa amin:

lucluzlabis@gmail.com

Wednesday, November 16, 2016

Bukeng na ang mga bayarang media racketeers na accredited daw sa PIAD sa Customs



TIRA ADUANA kolum



Sa ganang amin, tama lang seguro na pinalayas ni Customs Comm. Nick Faeldon ang  sampung waterfront-based reporters sa bakuran ng Aduana kamakailan pa lamang.

Ang seste kasi nanghaharas at nang sasa psywar ang mga bayarang media na ito na matagal nang istambay sa Aduana at kumukuha ng share sa tara na galing sa mga importer at mga shipper pati na galing sa kanilang mga broker at processor. 

At ang napakatindi ay palaging gumagawa ng mga pekeng isyu at alegasyon ang mga ito sa pamamagitan ng blind item sa malilit na dyaryo na mabibilang lang ang kopya at walang listener na mga radio station upang eto ay ipangtakot nila sa mga importer at broker nang sa ganon ay makapang extort na sila at makapag-negotiate ng regular na tara kada linggo or buwanan ba.  

Ginagamit pang malaking cover ang accreditation nila daw sa Public Information and Assistance Division (PIAD) sa Bureau of Customs, isang paraan na sila lamang ang makapasok sa mga opisina ng BOC, sa mga aduana.

Pwe mga extortionist ang mga etong bayarang mga PIAD na media! Pwe nakakasuka na ang kurapsyon sa media dyan sa Customs at kailangan nang malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ito! 

Kung palayasin man ang mga bayarang PIAD na media sa Customs eh di palayasin na rin ang mga kurap na mga collector sa mga aduana sa buong kapuluan ng Pilipinas- sa port sa Manila, Luzon, Cebu, Davao at iba pa, kumukunsabo kasi sila sa corruption in Philippine media, itong mga collector at kanilang kasamahan na opisyal sa bawat aduana. Paano? Ginawa kasi nilang pangharang ang mga bayarang media na PIAD accredited daw upang hindi sila makabigay ng malaki at maraming tara sa iba pang maraming mga extortionist na media.

In short nakaka save ang mga kurap na mga district collector sa mga aduana sa pagbibigay nga tara sa iba pang mga extortionist media kasi may iilan lang silang favored na mga bayarang media. Di po ba? At ginagamit ito sa pamamagitan ng alibi na media accreditation daw sa PIAD.

Bukeng na talaga itong mga kurap na Customs officials at kurap na media na nag ooperate at nag-iistambay dyan sa ating mga aduana! 



 
 






Kung may malamang katiwalian sa Customs at ibpa, mag email sa amin:

lucluzlabis@gmail.com

Ha ha ha Commissioner Faeldon nahuli mo ba talaga ang mga kurap sa Customs?





Ha ha ha Commissioner Faeldon nahuli mo ba talaga ang mga kurap sa Customs?

Ngayon may natatanong Commissioner Faeldon an totoo ba ang balita na higit P4.6 milyon ang “dagdag-buwis” na nalikom ng BoC mula sa mga natimbog na kargamento na ‘guilty’ sa kaso ng ‘technical smuggling’?

Ang ‘hindi-maintindihan-kung-maganda-ngang-balita’ ay inilabas mo bilang ‘press release’ noong Nobyembre 2 (‘BoC recovers P4.6-M from undervalued importations’).

Sa opinyon kasi ng mga totoong nagmamalasakit kay Comm. Nick, mga kabayan, “dapat” umanong “nagkonsulta” muna ang dating rebeldeng sundalo at aminadong “walang alam” sa operasyon sa Aduana, kung dapat pa niyang “ibalita” ang kanyang ginawa?
  
Para raw kasing ‘admission of guilt’ ito ni Comm. Nick na “opo, Pres. Rody and DoF Sec. Dominguez, binabaluktot ko (Comm. Nick) ang mga batas at proseso sa ilalim ng Tariff and Customs Code para lang sa mga kakarampot na pandagdag sa koleksyon ng BoC.
  
Dangan kasi, mga kabayan, kahit hindi ‘bar topnotcher’ o abugado ang inyong lingkod (katulad ng kanyang chief of staff na si Atty. Mandy Anderson) sampu ng  ‘waterfront-based reporters’ na “pinalayas” ni Comm. Nick sa bakuran ng Aduana, malinaw pong nasusulat sa ‘Section 2500 ng Tariff and Customs Code of the Philippines’ na… basa!
  
“Sec. 2503. Undervaluation, Misclassification and Misdeclaration in Entry. -- When the dutiable value of the imported articles shall be so declared and entered that the duties, based on the declaration of the importer on the face of the entry, would be less by ten percent (10%) than should be legally collected, or when the imported articles shall be so described and entered that the duties based on the importer’s description on the face of the entry would be less by ten percent (10%) than should be legally collected based on the tariff classification, or when the dutiable weight, measurement or quantity of imported articles is found upon examination to exceed by ten percent (10%) or more than the entered weight, measurement or quantity, a surcharge shall be collected from the importer in an amount of not less than the difference between the full duty and the estimated duty based upon the declaration of the importer, nor more than twice of such difference:
  
“Provided, That an undervaluation, misdeclaration in weight, measurement or quantity of more than thirty percent (30%) between the value, weight, measurement, or quantity declared in the entry, and the actual value, weight, quantity, or measurement shall constitute a prima facie evidence of fraud penalized under Section 2530 of this Code:
  
“Provided, further, That any misdeclared or undeclared imported articles/items found upon examination shall ipso facto be forfeited in favor of the Government to be disposed of pursuant to the provisions of this Code.
  
“When the undervaluation, misdescription, misclassification or misdeclaration in the import entry is intentional, the importer shall be subject to the penal provision under Section 3602 of this Code.”
  
Basahin naman natin sa Section 2530 ng TCCP, mga kapatid:
  
“Sec. 2530.Property Subject to Forfeiture Under Tariff and Customs Laws. -- Any vessel or aircraft, cargo, articles and other objects shall, under the following conditions, be subject to forfeiture…
  
“xxx f. Any article of prohibited importation or exportation, the importation or exportation of which is effected or attempted contrary to law… xxx
  
“xxx…(3) On the strength of a false declaration or affidavit executed by the owner, importer, exporter or consignee concerning the importation or exportation of such article.
  
“(4) On the strength of a false invoice or other document executed by the owner, importer, exporter or consignee concerning the importation or exportation of such article.
  
“(5) Through any other fraudulent practice or device by means of which such articles was entered through a customhouse to the prejudice of the government.”
  
Ang tanong, mga kabayan:
  
“Ilan dito sa 117 container vans ng mga hinuli ng BoC ‘Command Center’ (COMCEN) ni Comm. Nick dahil sa paglabag sa Section 2503 ng TCCP ang ‘grossly undervalued’ (higit 30 porsiyento ang “diperensiya” sa deklarasyon) na sa halip “tuluyan” batay naman sa Section 2530 ng TCCP ay pinagbayad na lang? At sinu-sino ang mga ito?
  
Dagdag pang tanong:
  
May ‘special consideration’ nga kaya -- katulad ng sinasabi ng mga miron -- kaya kahit garapal ang paglabag ng mga importer/consignee sa Section 2503 ng TCCP ay garapal din ang ginawang “pagpapatawad” sa kanila ni Comm. Nick?
  
At kasehodang makaladkad siya sa Ombudsman sa posibleng paglabag naman sa RA 3019 o ‘Anti-Graft and Corrupt Practices Act’ at RA 6713 o ang ‘Code of Ethical Standards’ sa mga opisyal at kawani ng gobyerno!
  
O, ayan, Ombudsman Conchita Carpio Morales, baka gusto mo nang silipin, Madam, ang mga nagiging kaganapan ngayon sa BoC?
  
Para na rin “bigyang-dangal” ang ginawang pagkilala sa iyong paglaban sa katiwalian na iginawad kamakailan lang ng ‘Ramon Magsaysay Foundation’ ang ‘Nobel Prize’ sa buong Asya, tama po ba, Madam Ombudsman?
  
Dangan kasi, kung si Sec.Dominguez at Pang. Rody ang tatanungin, tila “aprub” sa kanila ang lahat ng ginagawa ni Comm. Nick dahil “dedma” lang sila sa sandamakmak na reklamo sa estilo ng liderato ng mamang ito.
  
Kailangan na siguro ang ‘intervention’ mo dito, Madam Ombudsman dahil kahit nga ang media, “binusalan” na nitong si Comm. Nick kaya, saan pa ba ang magiging takbuhan ng ordinaryong mamamayan, aber?
  
Abangan!!! 

SOBRANG KURAPSYON SA CUSTOMS DAVAO SA PANGUNGUNA NI OIC COLLECTOR JAMAIL MAROHOMSALIC



Heto na ang district Collector ng Customs sa Davao City si Jamail Marohomsalic, na dati hepe ng assessment division ng Customs Davao. 
Nag assume siyang OIC District Collector noong Agosto 23, 2016.

May ulat tayong natanggap na grabe ang kurapsyon dyan sa Customs Davao dahil grabe kung makahingi itong si Collector Marohomsalic sa mga shippers sa pamamagitan ng mga brokers at processors ng mga shippers at mga negosyante na mga technical smugglers din naman.

Nako ang Customs Davao ay kumukulekta ng pinakamaliit na P50 million daily at magkano kaya ang tara ng mga eto? Sabi pa kumukulekta ng pinakamaliit na P1 milyon kada week na tara etong mga kurap sa Bureau of Customs Davao at ang may pinakamalaking share sa tara dyan ay si Marohomsalic kasi sabi niya nagbibigay daw siya sa itaas. 

Nako sinali pa ang itaas! 

Ganid at kurap na yan noong assessment head pa siya. Ano na kaya ngayong OIC Collector na siya at alam na ang mga parokyano sa tara dyan sa Customs Davao. 

Para malaman itong katarantaduhan at kurapsyon ni Marohomsalic dapat na mag conduct ang Ombudsman Office ng lifestyle check kay Marohomsalic kasi nako tingnan ninyo ang mga magarang mansyon niya, mga bago at magagandang mga mahal na kotse, parang hari ang lifestyle na parang siyang isa sa mga Ampatuan noong naghahari pa sila sa Maguindanao. 









Kung may malang katiwalian sa Customs at ibpa, mag email sa amin:

lucluzlabis@gmail.com

ISANG OFW NA HINOLDUP NG CUSTOMS SA HARAP-HARAPAN! PAGING PRESIDENTE DUTERTE!


 KURAP AT KAWATAN PA RIN ANG CUSTOMS!

May isa tayong OFW galing sa Dubai, at gusto ng mga Customs officials na magbayad si ________ ng Php40,000 (US$925.50) sa isang shipment na dapat lang ay Php6521.50 (US$150). 

Nako! Heto ang breakup sa Bureau of Customs: 

Benchmark / Tariff / Duties & Taxes – Php 18,700.00
Storage Fee – Php   8,000.00
Entry Form – Php   1,500.00
Locator – Php       300.00
Document Processing – Php   4,870.00
Broker’s Fee  – Php   5,200.00
Miscellaneous – Php #%@&$!!! (mga putang ina kayo!)


Ikalawa na ito Presidente Duterte na shipment nya. Noong una maliit lang pero alam ko may jack-up pa rin para sa mga ganid! Bullshit na talaga kayong mga tuso at ganid sa Customs. 

"Nakakahiya kayo mga putang ina nyong taga Bureau of Customs! Ang kakapal at sobrang garapal ang kasakiman nyo! Masahol pa kayo sa kriminal!!! Mahiya naman kayo… nung ni re-compute ko yung mga dapat kong bayaran hindi naman dapat umabot ng ganyan kalaki! Mga sindikato kayo ng magnanakaw!" sabi pa ng OFW sa email niya sa amin.

Harap-harapan na holdup na eto! Paging Presidente Duterte!  









Kung may kawatan sa Customs atbp, mag email sa amin:

lucluzlabis@gmail.com

After 100 days, no change pa rin sa Bureau of Customs, talaga? Mahiya ka naman Commissioner Faeldon!


Talaga ha? May pagbabago na sa Bureau of Customs?

Sa administrasyon ni Presidente Digong, ang mga kurap dapat tanggalin, uusigin at ipakulong. Di ba tama Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon?

Pero parang pareho lang yata? Ang dami pa ring mga kurap at kawatan sa BOC, Commissioner.

Alam mo ba? Sa lahat na mga aduana ang daming mga kurap- sa Manila, sa Luzon, sa Cebu, sa Zamboanga, sa Cagayan de Oro, sa Davao City. Lahat may mga kawatan at mga kurap kasi ang mga pinaglilingkuran nila ay ang mga smugglers- mga technical smugglers, mga tax evaders! Commissioner.

Commissioner Faeldon wala ka pa atang nagawa?

Hindi ka karapat dapat na partner sa pagbabago ng ating gobyerno, sa pagbabago nga Customs, sa pagbabago ng ating lipunan.

Ngayon after 100 days na wala kang nagawa sa katiwalian dyan sa Customs, maningil na kami mahiya ka naman Customs Commissioner Faeldon!