Wednesday, November 16, 2016

Bukeng na ang mga bayarang media racketeers na accredited daw sa PIAD sa Customs



TIRA ADUANA kolum



Sa ganang amin, tama lang seguro na pinalayas ni Customs Comm. Nick Faeldon ang  sampung waterfront-based reporters sa bakuran ng Aduana kamakailan pa lamang.

Ang seste kasi nanghaharas at nang sasa psywar ang mga bayarang media na ito na matagal nang istambay sa Aduana at kumukuha ng share sa tara na galing sa mga importer at mga shipper pati na galing sa kanilang mga broker at processor. 

At ang napakatindi ay palaging gumagawa ng mga pekeng isyu at alegasyon ang mga ito sa pamamagitan ng blind item sa malilit na dyaryo na mabibilang lang ang kopya at walang listener na mga radio station upang eto ay ipangtakot nila sa mga importer at broker nang sa ganon ay makapang extort na sila at makapag-negotiate ng regular na tara kada linggo or buwanan ba.  

Ginagamit pang malaking cover ang accreditation nila daw sa Public Information and Assistance Division (PIAD) sa Bureau of Customs, isang paraan na sila lamang ang makapasok sa mga opisina ng BOC, sa mga aduana.

Pwe mga extortionist ang mga etong bayarang mga PIAD na media! Pwe nakakasuka na ang kurapsyon sa media dyan sa Customs at kailangan nang malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ito! 

Kung palayasin man ang mga bayarang PIAD na media sa Customs eh di palayasin na rin ang mga kurap na mga collector sa mga aduana sa buong kapuluan ng Pilipinas- sa port sa Manila, Luzon, Cebu, Davao at iba pa, kumukunsabo kasi sila sa corruption in Philippine media, itong mga collector at kanilang kasamahan na opisyal sa bawat aduana. Paano? Ginawa kasi nilang pangharang ang mga bayarang media na PIAD accredited daw upang hindi sila makabigay ng malaki at maraming tara sa iba pang maraming mga extortionist na media.

In short nakaka save ang mga kurap na mga district collector sa mga aduana sa pagbibigay nga tara sa iba pang mga extortionist media kasi may iilan lang silang favored na mga bayarang media. Di po ba? At ginagamit ito sa pamamagitan ng alibi na media accreditation daw sa PIAD.

Bukeng na talaga itong mga kurap na Customs officials at kurap na media na nag ooperate at nag-iistambay dyan sa ating mga aduana! 



 
 






Kung may malamang katiwalian sa Customs at ibpa, mag email sa amin:

lucluzlabis@gmail.com

No comments:

Post a Comment