Wednesday, November 16, 2016
Ha ha ha Commissioner Faeldon nahuli mo ba talaga ang mga kurap sa Customs?
Ha ha ha Commissioner Faeldon nahuli mo ba talaga ang mga kurap sa Customs?
Ngayon may natatanong Commissioner Faeldon an totoo ba ang balita na higit P4.6 milyon ang “dagdag-buwis” na nalikom ng BoC mula sa mga natimbog na kargamento na ‘guilty’ sa kaso ng ‘technical smuggling’?
Ang ‘hindi-maintindihan-kung-maganda-ngang-balita’ ay inilabas mo bilang ‘press release’ noong Nobyembre 2 (‘BoC recovers P4.6-M from undervalued importations’).
Sa opinyon kasi ng mga totoong nagmamalasakit kay Comm. Nick, mga kabayan, “dapat” umanong “nagkonsulta” muna ang dating rebeldeng sundalo at aminadong “walang alam” sa operasyon sa Aduana, kung dapat pa niyang “ibalita” ang kanyang ginawa?
Para raw kasing ‘admission of guilt’ ito ni Comm. Nick na “opo, Pres. Rody and DoF Sec. Dominguez, binabaluktot ko (Comm. Nick) ang mga batas at proseso sa ilalim ng Tariff and Customs Code para lang sa mga kakarampot na pandagdag sa koleksyon ng BoC.
Dangan kasi, mga kabayan, kahit hindi ‘bar topnotcher’ o abugado ang inyong lingkod (katulad ng kanyang chief of staff na si Atty. Mandy Anderson) sampu ng ‘waterfront-based reporters’ na “pinalayas” ni Comm. Nick sa bakuran ng Aduana, malinaw pong nasusulat sa ‘Section 2500 ng Tariff and Customs Code of the Philippines’ na… basa!
“Sec. 2503. Undervaluation, Misclassification and Misdeclaration in Entry. -- When the dutiable value of the imported articles shall be so declared and entered that the duties, based on the declaration of the importer on the face of the entry, would be less by ten percent (10%) than should be legally collected, or when the imported articles shall be so described and entered that the duties based on the importer’s description on the face of the entry would be less by ten percent (10%) than should be legally collected based on the tariff classification, or when the dutiable weight, measurement or quantity of imported articles is found upon examination to exceed by ten percent (10%) or more than the entered weight, measurement or quantity, a surcharge shall be collected from the importer in an amount of not less than the difference between the full duty and the estimated duty based upon the declaration of the importer, nor more than twice of such difference:
“Provided, That an undervaluation, misdeclaration in weight, measurement or quantity of more than thirty percent (30%) between the value, weight, measurement, or quantity declared in the entry, and the actual value, weight, quantity, or measurement shall constitute a prima facie evidence of fraud penalized under Section 2530 of this Code:
“Provided, further, That any misdeclared or undeclared imported articles/items found upon examination shall ipso facto be forfeited in favor of the Government to be disposed of pursuant to the provisions of this Code.
“When the undervaluation, misdescription, misclassification or misdeclaration in the import entry is intentional, the importer shall be subject to the penal provision under Section 3602 of this Code.”
Basahin naman natin sa Section 2530 ng TCCP, mga kapatid:
“Sec. 2530.Property Subject to Forfeiture Under Tariff and Customs Laws. -- Any vessel or aircraft, cargo, articles and other objects shall, under the following conditions, be subject to forfeiture…
“xxx f. Any article of prohibited importation or exportation, the importation or exportation of which is effected or attempted contrary to law… xxx
“xxx…(3) On the strength of a false declaration or affidavit executed by the owner, importer, exporter or consignee concerning the importation or exportation of such article.
“(4) On the strength of a false invoice or other document executed by the owner, importer, exporter or consignee concerning the importation or exportation of such article.
“(5) Through any other fraudulent practice or device by means of which such articles was entered through a customhouse to the prejudice of the government.”
Ang tanong, mga kabayan:
“Ilan dito sa 117 container vans ng mga hinuli ng BoC ‘Command Center’ (COMCEN) ni Comm. Nick dahil sa paglabag sa Section 2503 ng TCCP ang ‘grossly undervalued’ (higit 30 porsiyento ang “diperensiya” sa deklarasyon) na sa halip “tuluyan” batay naman sa Section 2530 ng TCCP ay pinagbayad na lang? At sinu-sino ang mga ito?
Dagdag pang tanong:
May ‘special consideration’ nga kaya -- katulad ng sinasabi ng mga miron -- kaya kahit garapal ang paglabag ng mga importer/consignee sa Section 2503 ng TCCP ay garapal din ang ginawang “pagpapatawad” sa kanila ni Comm. Nick?
At kasehodang makaladkad siya sa Ombudsman sa posibleng paglabag naman sa RA 3019 o ‘Anti-Graft and Corrupt Practices Act’ at RA 6713 o ang ‘Code of Ethical Standards’ sa mga opisyal at kawani ng gobyerno!
O, ayan, Ombudsman Conchita Carpio Morales, baka gusto mo nang silipin, Madam, ang mga nagiging kaganapan ngayon sa BoC?
Para na rin “bigyang-dangal” ang ginawang pagkilala sa iyong paglaban sa katiwalian na iginawad kamakailan lang ng ‘Ramon Magsaysay Foundation’ ang ‘Nobel Prize’ sa buong Asya, tama po ba, Madam Ombudsman?
Dangan kasi, kung si Sec.Dominguez at Pang. Rody ang tatanungin, tila “aprub” sa kanila ang lahat ng ginagawa ni Comm. Nick dahil “dedma” lang sila sa sandamakmak na reklamo sa estilo ng liderato ng mamang ito.
Kailangan na siguro ang ‘intervention’ mo dito, Madam Ombudsman dahil kahit nga ang media, “binusalan” na nitong si Comm. Nick kaya, saan pa ba ang magiging takbuhan ng ordinaryong mamamayan, aber?
Abangan!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment